Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ekonomiya ng Pilipinas, bumagal sa unang tatlong buwan ng 2014

(GMT+08:00) 2014-08-07 19:16:04       CRI

BUMAGAL ang galaw ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang tatlong buwan ng 2014. Ito ang sinabi ni Rogier van den Brink, ang Lead Economist at Karl Kendric Chua, Senior Country Economist ng World Bank sa Maynila sa idinaos na Philippine Economic Update kanina.

Sa kanilang June 2014 World Bank Global Economic Prospects, ang pandaigdigang projections ay ibinaba sa 2.8% mula sa 3.2% noong Enero. Ang dahilan ng downgrade ay ang matamlay na growth performances sa Estados Unidos sa unang tatlong buwan ng 2014. Sa pangmatagalang pananaw, partikular sa mga umuunlad ng bansa, kung maipagpapatuloy ang ginagawang pagbabago, ay higit na magiging maganda ang larawan ng kanilang ekonomiya. Ang global growth story ay mahalaga rin sa Pilipinas, dagdag pa nina G. van den Brink at Chua.

BUMAGAL ANG KAUNLARAN SA EKONOMIYA NG PILIPINAS.  Sinabi ni G. Rogier van den Brink ang lead economist ng World Bank sa Pilipinas na naitala ang 5.7% growth sa unang tatlong buwan ng 2014.  Sa Philippine Economic Update kanina, sinabi nang kailangang bigyan ng pansin ang mga sektor na hindi gumagalaw.  Nakita ang kaunlaran sa services sector bagama't mahina ang sektor ng pagsasaka.  Nakaapekto ang mataas na presyo ng pagkain, tulad ng bigas na karaniwa'y mahihirap ang natatamaan, dagdag pa ng dalubhasa.  (Melo Acuna)

Sa nakalipas na dalawang taon. Naging maganda at patuloy ang pag-unlad ng Pilipinas subalit bumaba at bumagal ito sa 5.7% sa unang tatlong buwan ng 2014. Dahilan ito sa epekto ni "Yolanda", mababang government spending, at patuloy na monetary policy tightening.

Sa taong ito, ang growth projections ay binawasan din mula sa 6.6% at ginawa ng 6.4% sa 2014 at mula sa 6.9 patungo sa 6.7% para sa 2015. Ang pagpapanatili ng growth rate na ito ang pagtataas ng may dalawang beses sa loob ng 10 taon, limang ulit na lalaki sa 20 taon at may 12 ulit sa loob ng 30 taon.

Sa pangyayaring ito, naniniwala pa rin ang World Bank na ang kaunlaran sa taong ito ay mananatiling pinakamabilis sa malalaking ekonomiya sa Silangang Asia at papangalawa lamang sa Tsina na inaasahang lalago ng may 7.6% at mas mataas na mas mataas sa pangrehiyong average na 5%, at hindi kabilang ang Tsina.

Nanguna pa rin ang services sector samantalang bagsak ang sektor ng pagsasaka. Binanggit din ang magandang kinahihinatnan ng BPOs sa Pilipinas. Sa demand side, ang kaunlaran ay natamo dahilan sa private consumption, durable equipment at infrastructure spending. Ang recovery ng net exports matapos ang limang sunod-sunod na quarter ng pagbagal, ay nakatulong pa sa kaunlaran o paglago ng ekonomiya.

KAILANGANG GUMASTOS SA EDUKASYON AT KALUSUGAN.  Ito ang isa sa mga rekomendasyon ni G. Karl Kendric Chua, ang Senior Country Economist ng World Bank sa Maynila.  Kailangan ito upang mapanatili ang kaunlaran, dagdag pa ng dating propesor sa Ateneo de Manula University.  (Melo Acuna)

Ang anumang nai-ambag ay natabunan ng mahinang paggasta ng pamahalaan at ang pagbagal ng private construction. May nagsasabing baka nakamtan na at patapos na ang pinakamagandang panahon sa real estate. May nababahala na baka mahalintulad na sa i9bang ekonomiya ang Pilipinas na hindi kaagad nakabawi sa real estate bubble.

Nabawasan din ang bilang ng mahihirap sa pagbaba ng 3 percentage points sa pagitan ng 2012 hanggang 2013 at umabot na lamang sa 24.9% sa pamamagitan ng pag-angat ng may 2.5 milyong mga filipino mula sa kahirapan. Naganap ito kasunod ng maraming taon ng hindi pagtatagumpay ng poverty rerduction sa pagkakaroon ng average na 0.2% sa bawat taon sa pagitan ng 2006 hanggang 2012. Sa pagkakaroon ng job generation sa unang bahagi ng 294 ang nagsasabing tiyak na mababawasan pa ang bilang ng mahihirap sa bansa.

Sa pangkalahatan, sinabi ni World Bank Country Director Motoo Konishi na binago ang economic projections para sa Pilipinas dahilan sa epekto ni "Yolanda," at iba pang mga dahilan sa isang pahayag.

Iminungkahi ng World Bank na kailangang dagdagan pa ng 5% ng Gross Domestic Product sa larangan ng edukasyon at kalusugan upang maka-angat ang productivity at kakayahang makipagkumpitensya ng mga manggagawang Filipino. Ito ang kailangan bilang pangdagdag sa binabalak na paggasta ng pamahalan sa larangan ng pagpapatayo ng mga pagawaing-bayan.

Idinagdag pa ni G. Chua na upang mapanatili ang mataas na kaunlaran sa pagpapayabong ng structural reforms, marapat lamang na dagdagan ang gastos sa infrastructure at sa larangan ng kalusugan at paggawa.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>