|
||||||||
|
||
Mga kawani ng pamahalaan humiling ng TRO laban sa buwis sa allowances at bonus
ISANG grupo ng mga manggagawa ng pamahalaan ang humiling sa Korte Suprema na pigilan ang Bureau of Internal Revenue na kumaltas ng buwis sa kanilang allowances, bonuses at iba pang mga benepisyo.
Sa kanilang petisyon, hiniling ng mga manggagawa na pawalang-saysay ang Revenue Memorandum Order No. 2302014 na nagpapataw ng buwis sa allowances, bonuses, compensation for services at iba pang benepisyo na ibinibigay sa mga manggagawa sa kani-kanilang mga departamento, tanggapan, mga ahensya at mga institution kabilang na ang mga pamahalaang lokal.
Hiniling ng mga manggagawa na pagbawal ng Korte Suprema si Commissioner Kim Henares at Finance Secretary Cesar Purisima na ipatupad ang RMO No. 23-2014 na magiging daan umano ng taliwas sa batas at 'di makatarungang pagpapatupad ng buwis at illegal and illicit collection.
Aabot umano sa may isang milyong mga manggagawa ng pamahalaan ang apektado ng kautusang ito na lumalabag sa ilang bahagi ng National Internal Revenue Code.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |