Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ekonomiya ng Pilipinas, bumagal sa unang tatlong buwan ng 2014

(GMT+08:00) 2014-08-07 19:16:04       CRI

Senador Enrile, dumulog sa Korte Suprema upang pigilin ang paglilitis ng Sandiganbayan sa "pork barrel"

HINILING din ni Senador Juan Ponce Enrile sa Korte Suprema na pigilan ang Sandiganabayan na litisin ang usaping plunder laban sa kanya sa diumano'y pagkakasangkot niya sa P 10 bilyong pork barrel scam. Sumunod lamang siya kina Senador Jose "Jinggoy" Estrada at Ramon "Bong" Revilla, Jr.

Sinabi ni Atty. Theodore Te, pinuno ng Public Information Office ng Korte Suprema na ipinarating ni G. Enrile ang petition for certiorari na may bilang na GR No. 213455.

Sa kanyang petisyon, hiniling ni Senador Enrile na maglabas ng temporary restraining order sa mga taga-Sandiganbayan sa pagdaraos ng pre-trial at proceedings sa Criminal Case No. SB-14-CRM-0238. Humiling din siya na magkaroon ng oral arguments sa kanyang usapin.

Nakarating ang petisyon sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Estelito Mendoza at ng kanyang bupete o law office, ang Ponce Enrile Reyes and Manalastas Law Office. Nahaharap ang senador ng one count ng plunder at 15 kaso ng graft.

Sa hiwalay na information sheets mula sa Ombudsman, inakusanan si Enrile at ang kanyang dating chief of staff na si Atty. Gigi Reyes ng pagkakamal ng P 172.8 milyon sa pamamagitan ng kickbacks mula 2004 hanggang 2010 sa pamamagitan ng mga non-government organizations na konektado kay Janet Lim Napoles.

Respondents sa petisyon ni G. Enrile sina Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, Associate Justices Samuel Martires at Alex Quiroz ng Third Dividion na may hawak ng plunder at graft charges.

Una ng nagpetisyon sina Senador Revilla noong Marso at Estrada noong Mayo na humiling ding pigilan ang paglilitis sa kanila.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>