|
||||||||
|
||
Kakulangan ng trabaho, malawakan
KAHIT pa maganda ang nagaganap sa ekonomiya ng bansa, hindi sapat ang mga hanapbuhay para sa mga Filipino upang mabawasan ang kawalan ng trabaho.
Ito ang inamin ni Socio-economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan. Ipinaliwanag niyang samantalang ang uri ng trabaho ay gumaganda na, ang pagtaas ng bilang ng productive employment opportunities ay hindi sapat upang matanggap ang mga napapadagdag sa lumalaking labor force at mabawasan ang bilang ng mga walang trabaho at underemployed workers. Ito ang kanyang sinabi sa mga mambabatas sa pagtatanghal ng panukalang P 2.6 trilyong budget para sa taong 2015.
Ayon sa pinakahuling labor force survey ng National Statistics Office noong Abril, ang bilang ng mga Filipino na nagkaroon ng bagong trabaho ay umabot sa 38.7 milyon noong Anril 2014 mula sa 37 milyon noong Abril ng 2013. Nagkaroon umano ng 1.7 milyong hanapbuhay sa buong bansa.
Bumaba naman ang bilang ng mga walang hanapbuhay na mga Filipino mula sa tatlong milyon noong Abril 2014 sa bilang na 2.9 milyong nitong nakalipas na Abril ng 2014.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |