|
||||||||
|
||
MRT 3, nadiskaril
ISANG tren ng Metro Rail Transit3 ang nadiskaril matapos bumangga sa stopper walla Taft Avenue Station kanina sa Pasay City na ikinasugat ng may labing-siyam (19) katao.
Sa naganap na sakuna, nasundan ito ng stampede. Ayo kay Hernando Cabrera, tagapagsalita ng MRT, ang tren ay nabimbin sa pag-itan ng Magallanes at Taft Avenue stations dahilan sa pagkawala ng kuryente at itinutulak ng isa pang tren subalit nawala ang koneksyon ng dalawa.
Dahilan sa pagkakatulak ng tren sa likuran, sa bilis nito ay bumangga sa stopper. Inaalam pa kung nagkaroon ng pagkukulang ang engineer ng tren. Pababa ang riles ng tren mula sa Magallanes patungo sa Taft Avenue station.
Isinugod ang mga nasugatan sa Pasay General Hospital at maging sa San Juan de Dios hospital.
Kahit may sakunang naganap, sinabi ni Pasay Police Chief Superintendent Miguel Ortilla, na tuloy pa rin ang biyahe ng tren patungo sa Taft Avenue. Pinayuhan na ng Metro Manila Development Authority and madla na umiwas sa mabagal na daloy ng trapiko sa panulukan ng Taft Avenue at EDSA dahilan sa sakuna.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |