|
||||||||
|
||
General Palparan, ipinadadala na sa Bulacan Provincial Jail
NAG-UTOS na ang Malolos Regional trial Court Branch 14 na dalhin ang nadakip na retiradong general na si Jovito Palparan sa Bulacan Provincial Jail.
Matapos ang halos tatlong taong pagtatago, nadakip si Palparan kahapon ng madaling araw ng mga tauhan ng Anti-Organized Crime Division ng National Bureau of Investigation at ng Armed Forces of the Philippines sa Sta. Mesa, Maynila.
Nahaharap siya sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa pagkawala nina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan noong 2006. Nakatakda siyang basahan ng demanda sa Lunes, ika-18 ng Agosto.
Nawawala pa ang dalawang mag-aaral ng University of the Philippines. Tumanggi si Palparan sa mga akusasyon.
Nakatanggap ng tip ang mula sa informant tungkol sa kinaroroonan ni Palparan sa isang mataong kapitbahayan.
Ayon kay Major General Eduardo Año, inaksyunan nila kaagad ang impormasyon kaya't nadakip kaagad si General Palparan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |