|
||||||||
|
||
20140911ditorhio.m4a
|
Kakatapos pa lamang po ng kampanya ng Gilas, koponan ng Pilipinas sa International Basketball Federation, o mas kilala sa tawag na FIBA o FIBA World. Siguro nagtataka kayo kung bakit FIBA ang initials, pero ang ibig sabihin ay International Basketball Federation: dapat ang initials ay IBF, hindi po ba? Ang initials na FIBA ay nagmula po kasi sa orihinal na pangalan nito sa wikang Pranses na Fédération Internationale de Basket-ball, kaya FIBA ang ginawang initials. Ito po ang asosasyon ng mga pambansang organisasyon ng basketbol sa buong mundo, na siya ring namamahala sa mga internasyonal na kompetisyon.
Mabalik tayo sa Gilas: kahit hindi naging matagumpay ang ating koponan, ipinakita naman nila kung gaano katatag ang pusong Pinoy. Kaya, proud pa rin tayo sa kanila. Mayroon pa namang susunod na kompetisyon, at sigurado akong lalo pang pagbubutihin ng mga manlalarong Pinoy ang kanilang mga kakayahan, para tayo naman ang manalo sa susunod na laban.
May kaugnayan po sa basketbol ang isa sa ating kuwentong ibabahagi sa inyo ngayong gabi. Alam nating lahat na pagdating sa basketbol, malakas ang koponan ng Tsina, at bukod pa riyan, malaganap na rin ang basketbol dito sa Gitnang Kaharian. Kaya naman nakakapagprodyus ang Tsina ng mga dekalidad na manlalaro ng basketbol. Para sa ating unang kuwento ngayong gabi papakinggan natin ang Canadian na si Nick Bedard, editor-in-chief ng basketballbuddha.com tungkol sa kayang buhay at pakikipagsapalaran at pagbabalita sa mundo ng basketbol sa Tsina.
Ang pangalawang kuwento ay tungkol naman kay Nathaniel Davis, co-founder ng Split Works, isang subsidiary ng Split United, isa sa mga pinaka-maimpluwensyang organisasyon sa music industry ng Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |