|
||||||||
|
||
20140731ditorhio.m4a
|
Si Maria
Mga pengyou, para sa episode natin ngayong gabi, susubukin muli nating maglakbay sa mundo ng mga laowai o mga dayuhang naninirahan at nagtatrabaho rito sa Tsina. Kukumustahin natin ang buhay ni Maria Kargbo, isang talentadong taga-Sierra Leone.
Si Maria ay nagpunta sa Tsina noong 2004 para lumahok sa isang beauty contest: noong 2007 bumalik siya para sa patimpalak na Xing Guang Da Dao o Star Avenue: at noong 2009, muli siyang nagpunta sa Tsina para sa Miss World. Dito, isa siya sa mga napiling Top 10. Bukod pa riyan, ginawaran din siya ng Best Talent at Best Fashion Award. Ito ay kauna-unahan po sa kasaysayan ng Miss World, kaya naman, itinala ito sa Guinuess Book of World Records.
Naniniwala si Maria, na kapalaran niyang gumawa ng mga katangi-tanging bagay dito sa Gitnang Kaharian. Narito ang kanyang kuwento sa Tsina.
Bukod po sa pagiging performer at aktres, aktibo rin si Maria sa pagkakawanggawa. Sa pamamagitan ng ibat-ibang event, sinusuportahan niya ang mga mahihirap na bata sa Tsina at Aprika. Inaabuloy din niya ang karamihan ng kanyang kita sa mga batang ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |