|
||||||||
|
||
20140821ditorhio.m4a
|
Si Juliette Zelime
Mga pengyou, para sa episode ngayong gabi ng DLYST, isa na namang nakakamanghang kuwento ang aming ihahatid sa inyo.
Si Juliette Zelime ay isang artist na mula sa bansang Seychelles. Nagtungo siya sa Tsina noong 2006 at tinapos ang kanyang kursong Fine Arts sa Central Academy of Fine Arts ng Beijing. Kapag may libreng oras, mahilig siyang magbiyahe at maglarao ng basketbol. Sa ngayon, balik-eskuwela si Juliette para naman sa kanyang master's degree.
Pero, bukod diyan, isa ring negosyante si Juliette. Noong 2012, dahil sa kanyang mga natutunan sa unibersidad dito sa Tsina, inumpisahan niya ang kanyang sariling brand ng mga damit at bag.
Para sa ating episode ngayong gabi, sisilipin natin ang mga karanasan ni Juliette, sa kanyang pag-aaral at pagtatayo ng sariling negosyo rito sa Gitnang Kaharian. Narito ang kanyang kuwento.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |