|
||||||||
|
||
Melo 20140916
|
Pangulong Aquino, naniniwalang may sapat na panahon
SA kanyang talumpati sa Brussels, Belgium, sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na mayroon pang sapat na panahon na susugan ang Saligang Batas at alisin ang term limits kung magdedesisyon siyang magkaroon ng bagong term of office.
Sinabi niya na napakaaga pa upang pag-usapan ang politika subalit binanggit din niya ng makaharap niya ang mga Filipino na naipon upang makinig sa kanya sa Cathedral of St. Michael at St. Gudula sa kanyang pagdalaw sa Belgium.
Ayon sa media reports na nakarating sa Maynila, (sinabi ni Pangulong Aquino) ang mga botante ay mamimili sa dalawang klase ng kandidato sa darating na 2016 presidential elections, una ang magpapatuloy ng mga repormang nasimulan at ang pangalawa ay ang mga kumukontra sa kanila na may posibilidad na magsabing ipagpapatuloy nila ang reporma.
Idinagdag ng pangulo na handa raw ba ang taongbayan na sumugal sa pangalawa. Walang binanggit na pangalan subalit nag-iwan ng posibilidad na baka siya rin ang kumandidato.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |