|
||||||||
|
||
Naninirahan sa paanan ng bulkang Mayon, pinalilikas
BULKANG MAYON, NAG-AALBURUTO. Itinaas na ng mga autoridad ang Alert Level sa Bulkang Mayon mula sa Critical at ginawa ng Alarming base sa mga napunang pagkilos ng magandang bulkan kahapon ng maghapon. Pinalikas na rin ang mga naninirahan sa loob ng six-kilometer permanent danger zone. (File Photo/Melo Acuna)
MAAARING SUMABOG ANG BULKANG MAYON SA LOOB NG ILANG LINGGO. Ito ang larawang kuha mula sa Lignon Hill Observatory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Legazpi City. Makabago na ang kanilang mga kagamitan tulad ng seismographs at mga largavista. Computers na rin ang kanilang inaasahan sa Phivolcs. (File Photo/Melo Acuna)
PINALILIKAS na ang mga naninirahan sa paanan ng Bulkang Mayon matapos makita ang pagdaloy ng kumukulong putik pababa mula sa bibig nitong may 2,462 metro mula sa karagatan.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, napuna ang pagtaas ng bilang ng aktibidad ng bulkan. Mula kahapon ng umaga hanggang ika-walo ng gabi kagabi, nagkaroon ng 39 na pagguho ng mga bato na lumampas sa lumalaking lava done sa timong-silangang bahagi ng labi ng bulkan. Nagkaroon din ng 32 low frequency volcanic earthquakes na nagpapakita ng magma intrusion at pagkapal ng sulfur dioxide gas na nagmula sa bulkan. Nakita na rin ang pagbabaga ng bibig ng bulkan sa pagkakaroon ng kumumulong putik at mainit na usok.
Ito ang dahilan kaya itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang alert status sa Alert Level 3. Nangangahulugan ito ng "relatively high unrest" at nakarating na ang magma sa bibig ng bulkan at maaaring magkaroon ng mapanganib ng pagputok sa loob ng ilang linggo.
Pinayuhan nila ang Pamahalaang Lalawigan ng Albay na ilikas na ang mga naninirahan sa loob ng anim na kilometrong permanent danger zone sa paligid ng bulkan at maging ang pitong kilometrong extended danger zone sa timog-silangang bahagi ng bulkan dahilan sa panganib mula sa pagguho ng mga bato, pagguho ng lupa at biglang pagsabog at pagkagiba ng bahagi ng bulkan na magiging dahilan ng pagbaba ng nakamamatay na usok. Binabantayan pa nila sa PHIVOLCS ang bulkan upang makapagbalita sa pinakamadaling panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |