|
||||||||
|
||
Sampu ang nasawi sanhi ni "Luis"
UMABOT sa sampu katao ang nasawi dulot ng bagyong "Luis" taliwas sa ibinalita ni Kalihim Edwin Lacierda na mayroong "zero-casualty" rate.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kanina, lima ang nasawi, dalawa ang nalunod sa Pangasinan at tatlong nasawi sa paglubog ng MV Maharlika II sa may Southern Leyte. Malaki pa ang posibilidad na madaragdagan ito sa pagpasok ng mga balita mula sa mga lalawigan.
Wala pa sa talaan ng NDRRMC ang limang bangkay na natagpuan ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy sa ikalawang araw ng search and rescue operations para sa mga pasahero ng lumubog na roll-on roll-off ferry. Walo na ang bilang ng mga nasawi sa insidente.
Lima ang sugatan samantalang tatlo pa ang nawawala sa Ilocos, Eastern Visayas at National Capital Region.
May 31,081 pamilya o 139,791 katao ang lumikas samantalang may 22 mga lansangan at siyam na tulay ang 'di madaanan dala ng pagguho ng lupa at biglaang pagbaha. May ilang pook pa rin ang walang kuryente. Nasira ni "Luis" ang may 116 na bahay at napinsala naman ang 563 tahanan na karamiha'y sa Cagayan province.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |