|
||||||||
|
||
Gobernador Salceda, pinalikas na ang mga naninirahan sa paanan ng Mayon
INUTUSAN ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ang mga punonglungsod at bayan na palikasin na mula kagabi ang mga naninirahan sa loob ng six-kilometer permanent danger zone at pinaghahanda ang paglilikas ng may 10,000 pamilya sa anim hanggang walong kilometrong extended danger zone sa paanan ng bulkang Mayon kasunod ng pagtataas ng alert level sa alert level 3.
Ito ang ginawa ni Gobernador Jose Sarte Salceda matapos matanggap ang ulat ng PHIVOLCS mula sa Alarming at naging Critical ang katayuan ng bulkan.
Sinabi ni Gobernador Salceda na sa naunang pagsusuri, mayroong 300 katao sa six-kilometer permanent danger zone. Malaki ang posibilidad na nadagdagan ang bilang na ito dahilan sa payapang tayo ng bulkan mula noong 2009.
Deklarado na ng pamahalaang panglalawigan ang state of calamity ang mga Lungsod ng Legazpi, Tabaco at Ligao at mga bayan ng Guinobatan, Camalig, Daraga, Sto. Domingo at Malilipot.
Suspendido na rin ang klase sa mga paaralang gagamiting evacuation centers at sa mga paaralang nasa eight-kilometer extended danger zone sa paanan ng bulkan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |