|
||||||||
|
||
请问地铁站在哪里 离这儿多远呢
20140917Aralin25Day1.mp3
|
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Sa nakaraang aralin, natutuhan natin ang ilang ekspresyon na may kinalaman sa pagbili ng mga aklat. Ang ating bagong aralin naman ay may kinalaman sa paglalakad.
Ang kaalaman sa direksiyon ay napakahalaga, lalo na rito sa Beijing, na talaga namang napakalaking lunsod. Kaya, ipaliliwanag namin sa inyo kung ano sa wikang Tsino ang apat na direksiyon. Simulan natin sa silangan. Sa wikang Tsino, ito ay东(dōng). Sa karaniwan, madalas sabihin ng mga Tsino na 东(dōng)边(bian). Ang 边(biān) ay nangangahulugang "dako." Kaya, ang 东(dōng)边(bian) ay nangangahulugang "sa dakong silangan." Ulitin natin: 东(dōng), 东(dōng)边(bian). Ang kanluran naman sa wikang Tsino ay西(xī). Siyempre, maaari rin ninyong sabihing 西(xī)边(bian) sa halip ng 西(xī). Ang timog naman sa wikang Tsino ay 南(nán). Ang hilaga ay 北(běi). Ngayon, ulitin natin: silangan--东(dōng), kanluran--西(xī), timog--南(nán), hilaga--北(běi).
Ngayon, tumuloy tayo sa mga importanteng ekspresyon. Ang paraang Tsino ng pagsasabi ng "Mawalang-galang na, nasaan ang istasyon ng subway?" ay:
请(qǐng)问(wèn)地(dì)铁(tiě)站(zhàn)在(zài)哪(nǎ)里(li)?
请(qǐng), paki; 问(wèn), magtanong; 请(qǐng)问(wèn), mawalang-galang na.
地(dì)铁(tiě), subway.
站(zhàn), istasyon, himpilan.
地(dì)铁(tiě)站(zhàn), istasyon ng subway.
在(zài), pang-ukol na nangangahulugang "sa".
哪(nǎ)里(li), saan o nasaan.
Narito ang unang usapan:
A: 请问(qǐngwèn)地铁(dìtiě)站(zhàn)在(zài)哪里(nǎli)? Mawalang-galang na, nasaan ang istasyon ng subway?
B: 一直(yìzhí)往前(wǎngqián)走(zǒu),在(zài)前边(qiánbian)的(de)路口(lùkǒu)往(wǎng)左(zuǒ)拐(guǎi)。Dumeretso ka tapos kumaliwa ka sa krosing.
Kung gusto ninyong malaman kung gaano kalayo ang subway. Puwede ninyong itanong: "Gaano iyon kalayo mula rito?"
离(lí)这(zhè)儿(er)多(duō)远(yuǎn)呢(ne)?
离(lí), mula sa.
这(zhè)儿(er), dito.
多(duō)远(yuǎn), gaano kalayo.
呢(ne), katagang patanong na ginagamit sa hulihan ng pangungusap.
Narito ang ikalawang usapan:
A: 离(lí)这儿(zhèer)多(duō)远(yuǎn)呢(ne)? Gaano iyon kalayo mula rito?
B: 不(bù)太(tài)远(yuǎn)。大概(dàgài)走(zǒu)5分钟(fēnzhōng)就(jiù)到(dào)了(le)。Hindi gaanong malayo. Siguro mga limang minuto kung lalakarin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |