|
||||||||
|
||
我应该坐什么车去
20140917Aralin25Day2.mp3
|
Maaaring gusto ninyong malaman kung paano pupunta sa destinasyon. Narito ang isang reperensiya. Aling bus ang dapat kong sakyan para makarating doon?
我(wǒ)应(yīng)该(gāi)坐(zuò)什(shén)么(me)车(chē)去(qù)?
我(wǒ), ako.
应(yīng)该(gāi), dapat.
坐(zuò), sumakay ng sasakyan.
什(shén)么(me), ano.
车(chē), sasakyan. Dito, ito ay pinaikling 公(gōng)交(jiāo)车(chē) na nangangahulugang "bus".
去(qù), pumunta o pumaroon.
Kasiyahan po ninyo ang ikatlong usapan:
A: 我(wǒ)应该(yīnggāi)坐(zuò)什么(shénme)车(chē)去(qù)? Aling bus ang dapat kong sakyan para makarating doon?
B: 您(nín)得(dé)去(qù)马路(mǎlù)对面(duìmiàn)坐车(zuòchē)。Dapat doon sa kabilang panig ng daan kayo kumuha ng bus.
Okey, ngayon, Mga Tip ng Kulturang Tsino.
Sa pagkakataong ito, pag-usapan natin ang mga paraan ng pagbati ng mga Tsino. Halimbawa, kung may masasalubong at iiwanan ang isang tao, sinasabi niyang "Helo" at "Diyan ka na muna." Pero sa pang-araw-araw na buhay sa pagitan ng mga taong pamilyar na sa isa't isa, ang kanilang mga pagbati ay base, sa kanilang situwasyon at iniisip sa mga oras na iyon. Halimbawa, kung magkakasalubong ang dalawang tao, kasuwal na tatanungin ng isa ang isa ng mga tanong na tulad ng "Saan ka pupunta?" "Papasok ka ba sa trabaho?" "Kumain ka na ba?"
Kadalasan, ang mga tanong na ito ay itinuturing ng karamihan sa mga taga-Kanluran bilang mga bagay na personal. Kung magkakasalubungan sila, kadalasan nagbabatian sila sa pamamagitan ng simpleng pagsasabi ng "Hi/Helo!" "Magandang umaga!" "Kumusta ka!" O kung hindi naman ay pag-uusapan nila ang lagay ng panahon na tulad ng "Maganda ang panahon, hindi ba?"
Dahil sa globalisasyon, hindi na ngayon gaano kalaki ang pagkakaiba ng mga paraan ng pagbati ng mga Tsino at mga taga-Kanluran.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook, website or email
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino==>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |