|
||||||||
|
||
这是什么牌子的 中国名牌
20140812Aralin20Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusa
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Sa araling ito, maglilibot tayo sa isang tindahan ng mga segunda mano at pag-aaralan ang ilang magagamit na ekspresyon. Ang una ay pagtatanong hinggil sa tatak--maski sa supermarket. Ano ang tatak na ito?
这(zhè)是(shì)什(shén)么(me)牌(pái)子(zi)的(de)?
这(zhè), ito.
是(shì), salitang nagbibigay-diin.
什(shén)么(me), ano.
牌(pái)子(zi), tatak.
的(de), salitang auxiliary na tumutukoy sa uri ng bagay.
Sa ngayon marami kayong nakikitang produkto na may nakasulat na "made in China". Maraming tatak na Tsino na tulad ng Haier at Lenovo ang naging kilala sa buong mundo. At ang Tsino para sa "kilalang tatak sa Tsina" ay:
中(zhōng)国(guó)名(míng)牌(pái).
中(zhōng)国(guó), Tsina.
名(míng)牌(pái), kilalang tatak.
Okey, narito ang unang usapan sa araw na ito:
A:这(zhè)是(shì)什么(shénme)牌子(páizi)的(de)?Ano ang tatak na ito?
B:这(zhè)是(shì)中国(zhōngguó)名牌(míngpái)。Kilalang tatak sa Tsina iito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |