|
||||||||
|
||
/melo/20141001.m4a
|
MALAKI ang potensyal ng Asia. Ito ang sinabi ni G. Takehiko Nakao, pangulo ng Asian Development Bank sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag mula sa Asia-Pacific region na nagpupulong sa ADB Regional Headquarters sa Metro Manila.
Sa pakikipagpalitan ng pananaw sa mga nagaganap sa rehiyon, sinabi ni G. Nakao mas makabubuting mag-usap ang mga bansang 'di nagkakaunawaan sa kani-kanilang mga hangganan. Ang pagkakaroon ng mapayapang rehiyon ang magdudulot ng mas maunlad na kapaligiran.
Idinagdag pa ni G. Nakao na mayroong mga kaguluhan sa Gitnang Silangan, sa Silangang Europa at maging sa Africa kaya't napakahalagang manatili ang kapayapaan at katatagan sa Asia.
Ang rehiyon ay maraming mga oportunidad na umunlad at umangat.
Nananatiling malaking hamon para sa Asian Development Bank na patuloy na mabawasan ang agwat ng mga mayayaman at mahihirap sa rehiyon.
Nangako siyang magkakaroon ng mas maraming pagtutulungan ang ADB at ang pamahalaang Pilipino sa mga susunod na pagkakataon. Higit umanong madarama ang kanilang mga programa sa Pilipinas na noo'y pumapangalawa sa Japan kung kaunlaran ang pag-uusapan.
Ipinaliwanag niyang maraming nararapat gawin ang pamahalaan upang mabago ang kalagayan ng bansa at mga mamamayan. Sa paglipas ng panahon, naiwanan na ang Pilipinas ng Timog Korea at iba pang mga bansa. Ipinaliwanag ni G. Nakao na mahalaga ang papel ng mga pagawaing-bayan at mas magandang kalagayan ng paglalakbay sa Metro Manila. Dapat ding malutas kakulangan sa mga pagawaing-bayan, malutas ang traffic problem, matustusan ang sektor ng edukasyon at logistics.
Idinagdag pa rin ni G. Nakao na ang mas matatag na pananalapi ay makabubuti sa mga mamamayan. Ito ang kanyang tugon sa tanong hinggil sa 10 milyong mga Filipinong nasa ibang bansa. Mas maganda umanong dito na magtrabaho ang mga manggagawa upang makasama na nila ang kanilang mga pamilya.
Magaganap lamang ito kung magkakaroon ng mas maraming trabaho sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |