Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Asia, malaki ang potensyal

(GMT+08:00) 2014-10-01 22:03:06       CRI

Pagawaing bayan, prayoridad ng Pilipinas

MGA pagawaing bayan ang prayoridad ng Pilipinas upang maipagpatuloy ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Sa idinaos na Philippine Economic Briefing sa Philippine International Convention Center, sinabi ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenion M. Balisacan, mayroong critical role ang mga pagawaing bayan sa kaunlaran at competitiveness ng bansa at maging sa major economic sectors.

Mahalaga ito sapagkat makababawas ito ng kahirapan, makatitiyak ng kaligtasan ng mga mamamayan at mga komunidad tulad ng mga ari-arian at hanapbuhay sa oras ng mga kalamidad.

Idinagdag pa niya na palalaguin ang paggasta sa mga pagawaing bayanmula sa 2.2% ng GDP at nais na marating ang 5.0% sa taong 2016.

Sa taong 2013 hanggang 2016, ang mga programa at proyekto sa mga pagawaing bayan ay mayroong 952 proyekto na may investment requirements na aabot sa US$46.69 bilyon o P 2.06 trilyon, na kinabibilangan ng capital infrastructure projects.

Upang higit na mapasigla ang PPP at higit na mapaganda ang bansa sa private sector investors, pinagbalik-aralan, sinusugan at sinangayunan ang mga pamamalakad ng pamahalaan sa magiging papel ng pribadong sektor tulad ng Implementing Rules and Regulations ng Build-Operate-Transfer Law at ang JV guidelines. May mga reporma na rin sa larangan ng energy sector upang makapasok na rin ang pribadong sektor.

Noong Hulyo ng 2012, ipinasa ng Energy Regulatory Commission ang feed-in-tariff rates upang makapasok ang renewable energy developers na maglagak ng kapital at mapadali ang pagkalat nito sa iba't ibang bahagi ng bansa.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>