|
||||||||
|
||
Payapang daan, tatahakin ng Tsina
KAPAYAPAAN AT KAUNLARAN, HANGAD NG TSINA. Ito ang sinabi ni Ambassador Zhao Jianhua sa pagdiriwang ng ika-65 taon ng pagkakatatag ng People's Republic of China sa Makati Shangri-La Hotel kagabi. Higit sa 300 katao ang dumalo na kinabibilangan ni Senador Ferdinand Marcos Jr. at mga ambassador ng iba't ibang bansa. Kinatawan ng Pilipinas si Foreign Affairs Undersecretary Laura Q. Del Rosario sa pagdiriwang. (Melo M. Acuna)
NATAMO ng Tsina ang kaunlaran sa larangan ng ekonomiya at kaunlarang panglipunan sa nakalipas na 65 taon sa pamamagitan ng pagbubukas, mga reporma at pagpupunyagi ng mga pinuno at mga mamamayan.
Ito ang sinabi ni Ambasador Zhao Jianhua sa pagdiriwang ng ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China kagabi sa Makati Shangri-La.
Wala umano sa kanilang palatuntunan ang pananakop at paghahatid ng pangamba sa mga kalapit-bansa. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Ambassador Zhao na nangangako ang bansa at pamahalaan na isusulong ang payapang kaunlaran.
Itutuon ng Tsina ang pansin sa pagpapaunlad ng kanilang ekonomiya at mapaunlad ang kalagayan ng mga mamamayan. Layunin nilang doblehin ang kanilang natamong Gross Domestic Product noong 2010 at ang kanilang per capita urban at rural income at pagkakaroon ng maunlad na lipunan pagsapit ng 2020.
Magaganap lamang ito sa pamamagitan ng matagalang payapa at matatag na kapaligiran. Sa kahirapang naranasan ng bansa at mga mamamayan ng higit sa 100 taong digmaan, nakikita ng mga Tsino na hindi na kialnaman nararapat na maulit ito.
Binanggit pa ni Ambasador Zhao na iminungkahi ni Pangulong Xi Jinping sa kanyang pagdalaw sa ilang bansang kabilang sa ASEAN na buhayin ang 21st Century Maritime Silk Road at patibayin ang China-ASEAN Community ayon sa mga adhikain ng mga Tsino at mga mamamayan ng ASEAN at magkaroon ng malawakang pinagsamang kaunlaran.
Binanggit din niya ang isinusulong na adhikain ni Premier Li Keqiang ang "2 + 7 cooperation framework."
Ayon kay Ambassador Zhao, sa susunod na limang taon ay aangkat ang Tsina ng higit sa US$ 10 trilyon mga paninda. Ang outbound direct investments ay higigit sa US$ 500 milyon. Sa kaunlarang natatamo ng Tsina, nakatutulong din ito sa mga kalapit bansa sa ASEAN.
Matatag ang situwasyong nagaganap sa South China Sea at walang anumang problema sa kalayaang maglayag. Patuloy na tumibay ang relasyon ng ASEAN at Tsina, dagdag pa ni Ambassador Zhao.
Hindi umano kaaya-aya ang ginagawang pagpapalaki ng isyu sa sinasabing sigalot sa South China Sea. Natagpuan na ng Tsina at ASEAN ang daan tungo paglutas ng isyu sa South China Sea sa pamamagitan ng dual approach.
Ang paglutas ng mga 'di pagkakaunawaan sa pamamagitan ng payapang paraan tulad ng mga konsultasyon sa pagitan ng mga bansang magkakaibigan at ang pagpapanatili ng kapayapaan sa karagatan sa pagtutulungan ng Tsina at ASEAN.
Kailangan umano ang pagkakaroon ng ibayong pagtutulungan ang mga bansa ng ASEAN at ng Tsina.
Dumalo sa ngalan ng Kagarawan ng Ugnayang Panglabas si Undersecretary Laura Q. Del Rosario na nagpaabot ng pagbati sa bansang Tsina at sa mga mamamayan ng bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |