|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pangalawang Pangulong Binay, 'di na dadalo sa pagdinig sa Senado
KUMBINSIDO si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na bahagi ng isang programang layuning sirain ang kanyang pagkatao sa darating na halalan.
Ani G. Binay, siya ay nililitis na at ginigipit ng mga politikong may ambisyon sa halip na hanapin ang katotohanan. Mas interesado umano ang mga politkong matupad ang kanilang script sa halip na hanapin ang katotohanan ayon sa sandigan at tunay na paggalang sa batas.
Sa kanyang talumpati sa MCLE Accredited National Convention of Public Attorneys, sinabi ni G. Binay na nakasasama ang mga pahayag na ginawa ni Justice Secretary Leila de Lima na magagamit ang mga ebidensyang matatagpuan ng National Bureau of Investigation ay magagamit sa impeachment complaint laban sa kanya.
Idinagdag ng pangalawang pangulo na sinabi na niya na ang imbestigasyon ng senado ay matutungo sa impeachment. Base umano ang pahayag na ito ni Kalihim de Lima sa kahilingan ng Senado. Mayroon umanong impormasyong may ipinatutupad na ang Operation Anybody but Binay.
Marami pa umanong usaping nararapat lutasin ang Kagawaran ng Katarungan. Mayroon umanong nararapat ihabla sa DAP at PDAF subalit siya ang inuuna.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |