|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga katutubo, nahaharap sa matinding hamon
SINABI ni Bishop Prudencio Andaya, CICM, Obispo ng Tabuk at Chairperson ng CBCP – Episcopal Commission for Indigenous Peoples na nahaharap sa matinding hamon. Ito ang kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-37 taong pagdiriwang ng Indigenous People's Sunday noong nakalipas na Linggo,
Nanguna na ang CBCP-ECIP sa pagsusulong ng mga interes ng mga katutubo kasabay ng pakikiisa sa kanilang mga kinakaharap na suliranin. Magugunitang tema ng pagdiriwang ang Indigenous Peoples Lives: Blessed in the Midst of Challenges bilang pagtalima sa pagdiriwang ng Year of the Poor.
Kahit pa ang karamihan ng mga katutubo ay mahihirap, iba ang pananaw ng mga katutubo sa kahirapan sapagkat nakikita nila ang mga biyaya sa gitna ng kahirapan at pagdurusa.
Umaasa si Bishop Andaya na sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples Sunday na higit na tutulong ang mga hindi katutubo upang suriin ang kalagayan ng mahihirap at ng mga katutubo, Mayroon umanong mga 15 milyong Ips sa buong bansa.
Suportado ng mga katutubo ang kapayapaan. Kinikilala nila ang ginagawa ng pamahalaan at ng MILF tungo sa kapayapaan subalit nananawagan sila sa mga mambabatas na isama sa konsultasyon ang mga tunay na paglahok ng mga katutubo tulad ng mga Teduray, Lambangina at Dulangan Manobo sa panukalang Bangsamoro Basic law na pinaguusapan sa Senado at Kongreso. Sana umano'y makilala ang mga karapatan ng mga katutubo ayon sa Indigenous Peoples' Rights Act o Republic Act 8371.
Nararapat na isulong ang tunay na kapayapaan sa kasunduan na hindi lamang mga karapatan ng mga Bangsamoro bagkos ay makilala rin ang mga non-Moro indigenous peoples.
Ani Bishop Andaya, sa pamamagitan lamang ng tunay na pag-uusap sa pagitan ng mga may kinalaman sa buong katimugang Pilipinas.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |