Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga kawal na Filipino, uuwi na mula sa Liberia

(GMT+08:00) 2014-10-15 10:13:40       CRI

Special Feature

Lindol sa Bohol

BUKAS gugunitain ang malakas na lindol na yumanig sa Bohol at Cebu noong 2013. Naging matindi ang pinsala sapagkat nagiba at gumuho ang mga sinaunang simbahan na kilala bilang heritage sites.

Subalit sa likod ng mga pagyanig, unti-unting nakabawi ang mga mamamayan ayon kay Bishop Leonardo Medroso.

Sa isang panayam, sinabi ni Bishop Medroso na nakabawi na ang mga residente at nakaipon ng lakas mula sa trahedya. Bagsak ang industriya ng turismo ayon sa obispo.

Noong nakalipas na taon, matapos yumanig ang lupa sa Bohol at mga kalapit lalawigan tulad ng Cebu, napalapit ang mga mamamayan sa Diyos at nagsimulang magtayong muli ng kanilang mga tahanan, simbahan at bumalik na rin sa normal na buhay.

Unti-unti na nilang natanggap na may mga pagkakataong 'di inaasahan at trahedyang nagaganap.

Napagkaisahan din ng mga mamamayang magtayo ng kanilang mga simbahan bilang pamalit sa mga gumuhong simbahan. Nabuksan na ang isang alternate church sa Loboc, Bohol, dagdag pa ng obispo.

Inaasahan na rin nilang magtatagal ang tugon ng pamahalaan sapagkat maraming pagdaraang kamay ang mga palatuntunan at salaping ilalabas para sa mga biktima.

Sa likod nito, nagpapasalamat si Bishop Medroso sapagkat tuloy ang tulong ng kanilang mga benefactor. Sana raw ay huwag magsawang tumulong pa sapagkat magtatagal ng lima hanggang sampung taon ang pagtatayo ng mga simbahan.

Makababawi ang Bohol kung magkakaroon ng bagong investments sa larangan ng turismo sapagkat ito ang buhay ng mga Boholanon.

May lakas na 7.2 magnitude ang lindol na tumama sa Bohol noong ika-15 ng Oktubre 2013. May 344,300 katao ang nawalan ng tahanan at may 80% sa kanilang nanirahan sa mga barong-barong malapit sa kanilang mga nasirang tahanan.

Sa itinakdang action plan, nangailangan ng US$ 46.8 milyon upang matugunan ang pangangailangan ng mga biktima hanggang Abril ng 2014.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>