Isyung pangkalusugan ang paksa ng WHO – Western Pacific
PINAGBALIK-ARALAN ng mga kinatawan ng iba't ibang bansa sa Western Pacific ang mga palatuntunang ipinatupad noong nakaraang taon at ang mga magagawa upng matiyak ang kalusugan at kabutihan ng may 1.8 bilyong mga mamamayan.
Pinag-usapan ang kahalagahan ng mental health at ang malaking gastos ng mga may karamdaman sa pag-iisip, pagbabawas ng konsumo ng tabako at ang paraan upang magkaroon ng mga epektibong polisiya at pamamalakad at ang pakikiisa ng mga nagmula sa iba't ibang sektor.
Pinag-usapan din ang mga paraan upang mabawasan ang mga peligrong dulot ng mga trahedya at ang mga nagawan na ayon sa International Health Regulations, kaligtasan ng pagkain, malaria, tuberculosis, dengue, non-communicable diseases, environmental health, violence ang injury prevention. Kasama rin ang tungkol sa kakulangan ng masustansyang pagkain, universal health coverage at ang Millennium Development Goals.
1 2 3 4 5