|
||||||||
|
||
我想订去西安的往返机票 行李托运吗
20141022Aralin29Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay.好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Noong nakaraan, nagpunta tayo sa Shanghai sa pamamagitan ng tren at sa pagkakataong ito, bibisita tayo sa isa pa ring kilalang lunsod—ang Lunsod ng Xi'an, sa pamamagitan naman ng eroplano. Sabihin natin na gusto ninyong magpa-book ng tiket na balikan papuntang Xi'an at pabalik ng Beijing. Gusto kong magpa-book ng tiket na balikan papuntang Xi'an.
我(wǒ)想(xiǎng)订(dìng)去(qù)西(xī)安(ān)的(de)往(wǎng)返(fǎn)机(jī)票(piào).
我(wǒ), ako.
想(xiǎng), gusto.
订(dìng), umorder.
去(qù), punta sa.
西(xī)安(ān), pangalan ng isa sa mga pinakamahalagang lunsod sa kasaysayang Tsino. Tinagurian itong isa sa Apat na Dakilang Sinaunang Kabisera ng Tsina.
的(de), katagang ginagamit kasunod ng pangngalan o nominal structure para ipahiwatig ang uri ng bagay.
往(wǎng), pumunta o pumaroon; 返(fǎn), bumalik o pumarito; 往(wǎng)返(fǎn), balikan.
机(jī), pinaikling salita ng 飞(fēi)机(jī) na tumutukoy sa eroplano; 票(piào), tiket; 机(jī)票(piào), tiket sa eroplano.
Narito ang unang usapan:
A: 我(wǒ)想(xiǎng)订(dìng)去(qù)西安(xīān)的(de)往返票(wǎngfǎnpiào)。Gusto kong magpa-book ng tiket na balikan papuntang Xi'an.
B: 您(nín)想(xiǎng)订(dìng)哪天(nǎtiān)的(de)? Aling araw ang okey sa iyo?
A: 14号(hào)的(de)。Ika-14, kung puwede.
Susunod: Mayroon ba kayong bagaheng gustong i-tsek in?"
行(xíng)李(li)托(tuō)运(yùn)吗(ma)?
行(xíng)李(li), bagahe.
托(tuō), ipagtiwala; 运(yùn), ihatid; 托(tuō)运(yùn), i-tsek-in, iparehistro bilang kargada.
吗(ma), katagang pananong.
Narito ang ikalawang usapan:
A: 行李(xíngli)托运(tuōyùn)吗(ma)? Mayroon ba kayong bagaheng gustong i-check in?
B: 不用(búyòng)托运(tuōyùn)。Wala po.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |