Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Dalawampu't Siyam Pagsakay sa Eroplano

(GMT+08:00) 2014-10-23 14:37:24       CRI

我想要一个靠窗的座位 我找不到行李了


Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap

Susunod: Gusto ko ng upuan sa tabi ng bintana, kung puwede.

我(wǒ)想(xiǎng)要(yào)一(yī)个(gè)靠(kào)窗(chuāng)的(de)座(zuò)位(wèi).

我(wǒ), ako.

Kapuwa ang想(xiǎng) at ang 要(yào) ay nangangahulugang gusto. 想(xiǎng)要(yào).

一(yī), isa; 个(gè), isa sa mga pinakamadalas na ginagamit na salitang panukat; 一(yī)个(gè), isa.

靠(kào), sa tabi ng.

窗(chuāng), bintana;

靠(kào)窗(chuāng), malapit sa bintana.

座(zuò)位(wèi), kapuwa ang座(zuò) at 位(wèi) ay nangangahulugang upuan.

Gusto ko ng upuan sa tabi ng bintana, kung puwede. 我(wǒ)想(xiǎng)要(yào)一(yī)个(gè)靠(kào)窗(chuāng)的(de)座(zuò)位(wèi).

Narito ang ikatlong usapan:

A: 我(wǒ)想(xiǎng)要(yào)一(yī)个(gè)靠(kào)窗(chuāng)的(de)座位(zuòwèi)。Gusto ko ng upuan sa tabi ng bintana, kung puwede.

B: 可以(kěyǐ)。Okey.

Ang susunod na pangungusap ay puwedeng gamitin sa kalagayang pangkagipitan. Naku, hindi ko makita ang bagahe ko.

我(wǒ)找(zhǎo)不(bù)到(dào)行(xíng)李(li)了(le).

我(wǒ), ako.

找(zhǎo), maghanap; 到(dào), katagang ginagamit kasunod ng pandiwa para ipakita ang resulta. 找(zhǎo)到(dào), makapaghanap, mahanap.

不(bù), hindi.

找(zhǎo)不(bù)到(dào), hindi makita.

行(xíng)李(li), bagahe.

了(le), katagang makikita sa hulihan ng pangungusap at nagpapahiwatig na may bagong naganap na pangyayari.

Okey, narito ang ikaapat na usapan:

A: 我(wǒ)找不到(zhǎobùdào)行李(xíngli)了(le)。 Hindi ko makita ang bagahe ko.

B: 您(nín)不要(búyào)着急(zháojí)。我(wǒ)来(lái)帮(bāng)您(nín)。Huwag kayong mag-alala. Tutulungan kita.

Okey. Ngayon, oras na para sa Mga Tip ng Kulturang Tsino.

Sa Tsina, kapag ang mga tao ay tumatawag sa telepono, ang unang-unang sinasabi nila ay 喂(wéi) na isang uri ng "hello" na sadyang para lamang sa pakikipag-usap sa telepono. Halimbawa, pag-angat na pag-angat ng awditibo, madalas na sinasabi ng mga sumasagot sa telepono: "喂(wéi),您(nín)好(hǎo)", "喂(wéi), sino sila?" o "Sino ang gusto nilang makausap?"

Ang isa pang nakakatuwang bagay ay pag sinasabi ng mga Tsino ang Arabic numeral na "1," binibigkas nila ito ng "yāo" sa halip ng "yī". Ang ganitong pagbigkas ay madalas na ginagamit ng mga sundalong Tsino kapag nag-uulat ng mga impormasyong may kinalaman sa numero. Ang pangunahing layon nito ay iwasan ang pagkalito dahil sa mga magkasintunog na numero.

At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook, website or email

非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!

Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ==>


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>