Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtatayo ng bangko para sa pagawaing-bayan, napapanahon

(GMT+08:00) 2014-10-25 19:41:33       CRI

Pribadong sektor, pinuri ni Pangulong Aquino

MGA RESOLUSYON NG PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY, TINANGGAP NI PANGULONG AQUINO.  Makikita sa larawan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III (kaliwa) na tinatanggap ang mga resolusyon mula kay Philippine Business Conference Chair George Barcelon (kanan) samantalang nagmamasid si Phil. Chamber of Commerce and Industry President Alfredo M. Yao (gitna).  (Malacanang Photo Bureau)

MAHALAGA ang papel ng pribadong sektor sa lipunan. Ito ang sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang talumpati sa ika-40 Philippine Business Conference and Exposition sa Manila Hotel kanina.

Mas malayo umano ang mararating ng Pilipinas kung higit na lalalim, mas masigla at magandang pagtutulungan ang magaganap sa pag-itan ng industriya, kalakal at pamahalaan.

Mahalaga ang papel ng pribadong sektor sa pagpapa-angat ng takbo ng Pilipinas.

Halimbawa ng pagtutulungan ang mga resolusyong ibinibigay ng Philippine Chamber of Commerce and Industry taon-taon sa pamahalaan. Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na ito ay isang paraan ng pagpaparating ng mga pangangailangan ng kalakal. Hindi na umano bago ang mga binanggit ng mga mangangalakal.

Niliwanag niya na sa kahilingang magkaroon ng pinag-isa at pinag-ibayong energy and power development roadmap, tulad ng repormang iminungkahi sa power industry tulad ng napapaloob sa EPIRA, ay ginagawan na ng kaukulang aksyon. Bago pa man magkaroon ng groundbreaking ang mga planta, naipagbili na ang kanilang ilalabas na kuryente sa itatayo pa lamang na planta. Hindi umano magandang pangitain ito.

Kailangan umanong baguhin ang business model. Magaganap lamang ito sa tulong ng pribadong sektor, ang nagtatayo ng kalakal at nagtitiwala sa mga Filipino, at ang mga naglalagak ng kapital kahit walang pangmatagalang power supply contracts o purchase agreements. Ang kailangan ay merchant power producers, dagdag pa ni Pangulong Aquino.

Pinagtuunan na nila ng pansin ang epekto ng truck ban sa port congestion. Matindi ang epekto nito sa kalakalan sa bansa. Kasama ni Cabinet Secretary Rene Almendras ang pribadong sektor at mga tanggapan ng pamahalaan upang maibsan ang problema. Ililipat ang bahagi ng operasyon sa Batangas at Zambales ports subalit hindi ganoon kadali ang solusyon.

May mga pulis na rin sa mga pook na madalas dalawin at puntahan ng mga mayayamang mangangalakal. Malaki na rin ang iniunlad ng kalakal sa Batangas sa pagkakaroon ng dalawa hanggang limang barkong dumadalaw sa bawat oras.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>