ASEAN Economic Community, dapat paghandaan
TINIYAK ni Speaker Feliciano Belmonte, Jr. na pagtutuunan ng pansin ng Kongreso ang mga pagbabago upang matamo ang mga biyaya sa pagbuo ng ASEAN Economic Community.
Ani Speaker Belmonte, hindi lamang nangangahulugan ang ASEAN Economic Community sa pagbubukas ng pamilihan bagkos ay pagsusulong ng mahusay na pamamalakad at pagtugon sa mga kahinaan ng lipunan.
Ginawa ni Speaker Belmonte ang pahayag sa pulong ng Special Commission on Globalization and World Trade Organization at Committee on Trade and Industry. Dumalo sa pagtitipon ang mga opisyal ng Kongreso at mga kinawatan ng Department of Trade and Industry at iba pang mga apektado ng pagbuo ng pangrehiyong komunidad.
Ang rehiyon ay mnayroong pamilihang nagkakahalaga ng 600 milyon katao at may pinagsamang Gross Domestic Product na US$ 3 trilyon na magiging mahalagang bahagi ng pandaigdigang ekonomiya.
1 2 3 4 5