Humingi ng paumanhin si General Catapang
IPINARATING ni Armed Forces Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang, Jr. ang kanyang paghingi ng paumanhin sa mga namumuno sa lalawigan ng Sulu sa pagtatago ng detalyes ng pagpapalaya sa dalawang Alemang dinukot ng Abu Sayyaf.
Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, tagapagsalita ni General Catapang at ng AFP, naayos na ang 'di pagkakaunawaan kaninang umaga sa pagdalaw ng AFP chief of staff sa Sulu. Humingi umano ng kapatawaran ang general sa mga opisyal ng lalawigan sa isang pulong kaninang umaga.
Nakipag-usap siya kay Vice Governor Sakur Tan na siyang kumatawan sa kanyang anak na si Governor Sakur Tan II sa consultative meeting na dinaluhan ng 15 mga punong-bayan.
Naganap ang pagdalaw isang linggo matapos palayain sina Victor Stefan Okonek at Henrite Deiter. PInalaya umano ang dalawa matapos magbayad ng P 250 milyon.
Ayon sa mga opisyal ng pamahalaang lokal, itinago sa kanila ang detalyes ng pagpapalaya sa dalawang bihag.
1 2 3 4 5