|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Repormang Agraryo, kailangan pa rin

REPORMANG AGRARYO, KAILANGAN PA. Hawak ni Arsobispo Antonio Ledesma, Jr. ang kanyang aklat hinggil sa repormang agraryo na magpapalaya sa mga mahihirap ng magsasaka sa kanilang kinalalagyan. Naniniwala ang arsobispo na kailangang maipatupad ang nilalaman ng batas. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, SJ na kailangan pa rin ang repormang agraryo sa bansa upang umangat ang mga magsasaka sa kanayunan.
Sa paglulunsad ng kanyang aklat na pinamagatang Land Reform in East and Southeast Asia 1930s – 1980s, sinabi niya na bagama't natapos na ang CARPER noong nakalipas na Hunyo, 2014, sinabi ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III at ng Department of Agrarian Reform na magpapatuloy pa ito hanggang sa Hunyo 30 ng 2016.
Ayon sa arsobispo, kahit si Atty. Christian Monsod, na maraming dapat tapusin sapagkat mabagal ang pagpapatupad nito. Hindi umano nagtagumpay na matupad ang target hectarage at nagkaroon ng "reversions" sa mga naunang desisyon.
Nanawagan si Arsobispo Ledesma na kailangang magkaroon ng evaluation commission upang mabatid kung ano ang tunay na nagawa ng palatuntunan. Kailangang mas maraming lupaing masaklaw ng programa.
Nangangamba sina Arsobispo Ledesma at Atty. Monsod na baka kapusin na sa oras ang kongreso na makapagpasa pa ng batas. Kung maipatutupad lamang ng maayos ang programa, higit na uunlad ang bansa sapagkat ang repormang agraryo ay unang hakbang pa lamang tungo sa pambansang industrialisasyon.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |