|
||||||||
|
||
melo/20141027.m4a
|
Kahalagahan ng heritage sites sa kasaysayan at bansa, hindi matatawaran
KAHALAGAHAN NG MGA MAKASAYSAYANG GUSALI AT POOK, NARARAPAT BIGYANG PANSIN. Pinag-usapan sa Tapatan sa Aristocrat ang kahalagahan ng mga historical sites at public safety. Bukod sa pagpapanatili ng mga makasaysayang gusali, dapat ding mapatibay ang mga ito sa posibilidad na magkaroon ng malakas na lindol. (Melo M. Acuna/NCCA Photo)
ANG pagpapanatili ng mga gusali at mga pook na may kasaysayan sa bansa ay isang hakbang upang mabigyang halaga ang nakalipas at higit na maunawaan ng mga susunod na salinglahi.
Ito ang pananaw ni Gng. Gemma Cruz-Araneta, dating Kalihim ng Turismo at Miss International noong 1964. Ayon kay Gng. Araneta, pinuno ng Heritage Conservation Society, ang mga makasaysayang mga pook at gusali na kinabibilangan ng mga simbahan ay bahagi ng pagpapayabong ng kultura.
Sa panig ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, may kaukulang batas na ipinatutupad ang pamahalaan upang mapanatili ang mga pook na ito at maiwasan ang tuluyang pagkasira ng mahahalagang saksi sa kasaysayan.
Para kay Ginoong Edison Moladina, mayroong apat na simbahang mahalaga sa kultura at kasaysayan ng bansa dahilan sa pagpapahalaga at kakayahan ng mga Filipino noong nakalipas na mga daang-taon na bigyang buhay ang baroque architecture sa Miag-ao (Sto. Tomas de Villanueva), Iloilo, sa Santa Maria (Nuestra Senora dela Asuncion) at Paoay (San Agustin) sa Ilocos at ang San Agustin Church sa Intramuros. Idinagdag pa ni G. Moladina, na lumabas ang galing ng mga manggagawang Filipino sapagkat naitayo nila ang mga simbahan ng walang mga larawan maliban sa pagkukwento ng mga prayle kung ano ang hugis ng mga simbahang ito.
Idinaing naman ni G. Roberto S. Sylianteng ng Escolta Business Association na matagal nang naghihingalo ang mga kalakal sa Escolta na dating para sa mga matataas sa lipunan sapagkat napupuno na ng mga kabataang gumon sa droga. Wala na kundiman bibihira na ang mga nangangalakal sa pook na noo'y para sa mga alta de sociedad.
Sinabi naman ni Dr. Renato Solidum, Jr. ng Phivolcs na kailangang pag-aralan ang mga lupang pagtatayuan ng mga gusali sapagkat iba't ibang uri ng lupa sa Metro Manila. May mga pook na adobe at buhangin, depende sa lapit sa karagatan.
Sa Maynila ay maaaring umabot sa 30 talampakan ang buhangin samantalang sa Mandaluyong at Quezon Cities ay adobe naman ang matatagpuan.
Sa larangan ng disenyo, sinabi ni Architect Raj Busmente na malaking hamon sa mga kabataang arkitekto na magdisenyo ng mga gusali at tahanang angkop sa mga katotohanan tulad ng sama ng panahon, lindol at mga daluyong.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |