|
||||||||
|
||
Milyong mga Filipino, dadagsa sa mga sementeryo
KARAMIHAN ng mga Filipino ang dadalaw sa mga puntod ng kanilang mga yumaong mga magulang, kapatid, asawa at mga anak sa darating na Sabado, unang araw ng Nobyembre sa pagdiriwang ng Todos los Santos. Kinagawian na ito ng mga Filipinong magdasal at magtirik ng mga kandila sa harap ng mga puntod o libingan sa loob at labas ng Kamaynilaan.
Sa mga oras na ito, naglilinis na ng mga puntod ang mga kamag-anak ng yumao at kabibilangan ito ng pagpipintura ng libingan, pagpapareserba ng mga bulaklak at pagbili ng mga kandila para sa tradisyunal na Todos los Santos kahit pa ang araw ng mga yumao ay ipinagdiriwang sa kada ikalawang araw ng Nobyembre.
Karaniwang makikita ang punong-punong mga libingan sa Manila North at South Cemeteries at Loyola Memorial Park sa Marikina. Magiging mahigpit ang pulisya sa pagpapatupad ng seguridad tulad ng pagbabawal ng pagdadala ng inuming nakalalasing sa mga libingan at mahigpit na pagbabawal ng matatalim at nakamamatay na mga sandata.
Kahit ang Department of Public Works and Highways ay nag-aayos na ng mga lansangan patungo sa mga lalawigan sapagkat daragsa din ang mga magbibigay-galang sa mga yumao mula sa ika-31 ng Oktubre.
Maging ang pagdiriwang ng Misa sa mga simbahan ay limitado na lamang sa umaga samantalang magkakaroon ng mga misa sa mga libingan sa hapon at isasama sa kanilang mass intentions.
Ipinagbabawal na rin ang sugal at malalakas na awitan sa loob ng mga libingan upang maibsan ang anumang kaguluhan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |