![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Mga mamamahayag, naghahanda para sa ikalimang anibersaryo ng Maguindanao massacre
MAGLILIMANG TAON ang nakalipas na maganap ang Maguindanao Massacre subalit hindi pa nababatid kung maaaring magpiyansa ang mga akusado.
Nababahala ang National Union of Journalists of the Philippines sa ilalim ng liderato ni Chair Rowena C. Paraan sa bagal ng proseso. Nakita sa mga nakalipas na balita ang akusasyon ng magkakabilang-panig tulad na rin ng pagpapabagal sa proseso at mga akusasyon ng suhulan upang huwag kumilos o higit na maging mabagal ang paglilitis.
Nanawagan si Gng. Paraan sa mga mamamahayag na magsama-sama upang suriin ang nagaganap sa usapin hinggil sa pagkasawi ng 58 katao na kinabibilangan ng mga 35 mamamahayag.
Ani G. Paraan, ang iba't ibang samahang pagdaigdigan ng mga mamamahayag ang gumugunita ng ika-23 ng Nobyembre bilang International Day to End Impunity samantalang ipagdiriwang ng United Nations ang araw ng ikalawang araw ng Nobyembre bilang International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |