|
||||||||
|
||
Bagong Obispo ng Infanta, hinirang
BAGONG OBISPO NG INFANTA, HINIRANG. Si Manila Auxiliary Bishop Bernardino Cortez ang bagong obispo ng Infanta sa pahayag na nagmula sa tanggpan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ngayong gabi. (Roy Lagarde)
HINIRANG ni Pope Francis si Manila Auxiliary Bishop Bernardino Cortes bilang Bishop Prelate of Infanta.
Kaninang ika-12 ng tanghali sa Roma o ika-pito ng gabi sa Pilipinas, inilabas ang balita. Mula sa pagiging pari ng Los Baños, Laguna noong 2004, hinirang siyang Auxiliary Bishop ng Maynila.
Naglingkod din siyang Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines' - Episcopal Commission on Social Communications and Mass Media.
Isinilang siya sa Baclaran, Paranaque noong ikatlong araw ng Hulyo, 1949 at na-ordenan sa pagkapari noong ika-23 ng Hunyo 1974 sa ilalim ng Diocese of San Pablo, Laguna sa edad na 25 taong gulang.
Noong May 31, 2004, sa edad na 54 na taong gulang ay hinirang siyang Auxiliary Bishop ng Maynila.
Masasaklaw niya ang mga bayan ng Infanta, Real, General Nakar, Polillo, Jomalig, Burdeos at Panukulan sa Quezon Province at ang buong lalawigan ng Aurora
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |