|
||||||||
|
||
我们去旅行吧 周末有什么计划 我们想开车去长城玩玩
20141030Aralin30Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay.好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Sa nakaraang aralin, itinuon natin ang ating atensyon sa mga ekspresyon na may kinalaman sa pagbu-book ng tiket sa eroplano. Sa ating bagong leksyon, pag-aaralan natin ang ilang ekspresyon na magagamit ninyo sa pagbibiyahe. Una, "Tayo na't magliwaliw kung saan." Sa wikang Tsino, ito ay:
我(wǒ)们(men)去(qù)旅(lǚ)行(xíng)吧(ba).
我(wǒ)们(men), tayo.
去(qù), magpunta.
旅(lǚ)行(xíng), magliwaliw o maglakbay.
吧(ba), katagang ginagamit sa hulihan ng pangungusap na nagpapahiwatig ng mungkahi.
Narito ang unang usapan:
A: 我们(wǒmen)去(qù)旅行(lǚxíng)吧(ba)。Maglakwatsa tayo.
B: 好(hǎo)啊(ā)。Okey.
Pangalawa: Mayroon ba kayong plano para sa Sabado't Linggo?
周(zhōu)末(mò)有(yǒu)什(shén)么(me)计(jì)划(huà)?
周(zhōu), linggo;末(mò), katapusan; 周(zhōu)末(mò), weekend, Sabado't Linggo.
有(yǒu), magkaroon o mayroon.
什(shén)么(me), ano.
计(jì)划(huà), plano.
Narito ang ikalawang usapan:
A: 周末(zhōumò)有(yǒu)什么(shénme)计划(jìhuà)? May plano ba kayo para sa Sabado't Linggo?
B: 我们(wǒmen)想(xiǎng)开车(kāichē)去(qù)长城(chángchéng)玩玩(wánwán)。Plano naming magpunta sa Great Wall nang nakakotse.
Ang sagot sa tanong na "周末有什么计划?" ay "Plano naming magpunta sa Great Wall nang nakakotse."
我(wǒ)们(men)想(xiǎng)开(kāi)车(chē)去(qù)长(cháng)城(chéng)玩(wán)玩(wán).
我(wǒ)们(men), kami.
想(xiǎng), gusto.
开(kāi), magpatakbo; 车(chē), kotse; 开(kāi)车(chē), magmaneho.
去(qù), punta sa.
长(cháng), mahaba; 城(chéng), pader ng siyudad; 长(cháng)城(chéng), Great Wall.
玩(wán), magpakasaya. 玩(wán)玩(wan), magpakasaya.
Naritong muli ang ikalawang usapan:
A: 周末(zhōumò)有(yǒu)什么(shénme)计划(jìhuà)? May plano ba kayo para sa Sabado't Linggo?
B: 我们(wǒmen)想(xiǎng)开车(kāichē)去(qù)长城(chángchéng)玩玩(wánwán)。Plano naming magpunta sa Great Wall nang nakakotse.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |