|
||||||||
|
||
咱们什么时候出发 这儿的风景太美了
20141030Aralin30Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Susunod: Anong oras tayo lalakad?
咱(zán)们(men)什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)出(chū)发(fā)?
咱(zán)们(men)什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)出(chū)发(fā)?
咱(zán)们(men), tayo.
什(shén)么(me), ano; 时(shí)候(hòu), panahon o oras; 什(shén)么(me)时(shí)候(hòu), kailan.
出(chū)发(fā), magsimulang lumakad.
Anong oras tayo lalakad? 咱(zán)们(men)什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)出(chū)发(fā)?
咱(zán)们(men)什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)出(chū)发(fā)? Pakinggan natin ang ikatlong usapan:
A: 咱们(zánmen)什么(shénme)时候(shíhòu)出发(chūfā)? Anong oras tayo lalakad?
B: 星期六(xīngqīliù)早上6点(zǎoshangdiǎn)在(zài)大门口(dàménkǒu)见面(jiànmiàn)。Magkita tayo sa main gate sa Sabado alas-seis ng umaga.
Sa wakas, nakarating din kayo sa lugar na papasyalan ninyo. Para rito, ang salitang pag-aaralan natin ay "talaga namang napakaganda ng tanawin dito."
这(zhè)儿(er)的(de)风(fēng)景(jǐng)太(tài)美(měi)了(le).
这(zhè)儿(er), dito.
风(fēng)景(jǐng), tanawin.
太(tài), napaka, masyado; 美(měi), maganda; 了(le), 太(tài)美(měi)了(le), napakaganda.
Okey, narito ang huling usapan sa araling ito:
A: 这儿(zhèer)的(de)风景(fēngjǐng)太(tài)美(měi)了(le)。Talaga namang napakaganda ng tanawin dito!
B: 太(tài)漂亮(piàoliang)了(le)。Oo, napakaganda!
Okey, ngayon, dumako naman tayo sa Mga Tip ng Kulturang Tsino.
Sapul noong 2008, ang mga pambansang pista opisyal ng Tsina ay nadagdagan mula sampu hanggang labing-isa. Bagong Taon, Mayo Uno Araw ng Paggawa, Pestibal ng Ching Ming o Tomb Sweeping, Pestibal ng Dragon Boat, Araw ng Gitnang Taglagas o mas kilala sa tawag na Mooncake Festival sa Pilipinas--ang bawat pista opisyal ay may isang araw na walang pasok. Samantala, ang mga tao ay may tig-tatlong araw na walang pasok sa Pistang Pantagsibol o Chinese New Year at Pambansang Araw. Dagdag pa riyan, ang mga ito ay nakakabit sa Sabado't Linggo, bale pitong araw ang talagang walang pasok kung Pistang Pantagsibol at Pambansang Araw.
Kaya naman, ang pagbibiyahe kung pista opisyal ay nagiging karaniwan. Kasama man ang pamilya o mga kaibigan, mas pinipili ng maraming mamamayan ang maglakbay sa pamamagitan ng kotse. Iyong mga walang kotse ay maaring umarkila. Sa ngayon, mas pinasimple ng ilang malalaking kompanyang nagpapa-arkila ng kotse ang pag-aarkila. Kaya, ang mga tao ay maari na ngayong umarkila sa pamamagitgan ng Internet o direktang pagpunta sa tanggapan ng kompanya. Hangga't dala ng mga turista ang kanilang ID card, lisensiya, tiket at pang-deposito't pang-arkila, madadala nila kaagad ang kotse.
Kung maagang matatapos ang mga kaukulang papeles at prosidyur sa pamamagitan ng Internet, sa paliparan pa lamang ay ipinapadala na ng lang kompanya ang kotseng aarkilahin, para mas maging kombinyente para sa mga turistang aarkila.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook, website or email
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino==>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |