|
||||||||
|
||
20141114Aralin31Day1.mp3
|
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay.好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Pasensiya na po na nahuli po kami sa pag-a-update ng pag-aaral ng wikang Tsino dahil ang editor na bahala rito ay abala sa coverage sa APEC 2014 Economic Leaders' Week mula ika-5 hanggang ika-12 ng buwang ito.
Bago tayo magsimula ng bagong aralin, gusto kong ialay ang isang minutong katahimikan para alalahanin ang mga biktima ni Yolanda…
Ang bagong aralin natin ay isang espesyal na aralin. Ito ay pagpapaliwanag ng mga karakter ng wikang Tsino.
Ganito na kalayo ang narating natin sa ating pag-aaral ng wikang Tsino. At iniisip pa rin natin hanggang ngayon na ang isa sa mga parteng mahirap ay iyong lubos na pagkakaalam sa tumpak na pagbigkas ng mga katagang Tsino.
Sa panahong ito, sa mga wikang ginagamit ng iba't ibang bansa sa mundo, ang mga karakter na Tsino ang mga hindi alpabetikong karakter. Maraming katutubong alamat hinggil sa pinagmulan ng mga karakter na Tsino. Sinasabing noong unang panahon, may isang taong nagngangalang Cang Jie na nakakuha ng inspirasyon para mag-imbento ng karakter na Tsino sa pamamagitan ng pag-obserba sa mga bakas ng mga paa ng ibon sa putikan. Sa gayon, nalikha niya ang mga pinakamatandang piktograpikong karakter na Tsino.
Pagkaraan, ang mga bagong arkeologong Tsino ay nakahukay ng malaking bilang ng relikya sa mga libingan na malapit sa Ilog ng Lingyang sa Ju County ng Lalawigang Shandong ng Tsina. Natuklasan nilang ang ilang pottery o mga kagamitang gawa sa luad ay nauukitan ng mga piktograpikong karakter na Tsino. Ayon sa pananaliksik, ang mga salitang iyon ay naroon na sa loob ng mahigit 4500 taon at itinuturing na mga kauna-unahang karakter na Tsino.
Para matulungan ang mga tao na tumpak na kumilala at magbasa ng mga karakter na Tsino, pormal na ipinatalastas ng pamahalaang Tsino ang programang Chinese pinyin noong 1958. Ang programang ito ay gumagamit ng alpabetong Latin para ipakilala ang mga karakter na Tsino ayon sa bigkas ng mga ito sa wikang Tsino.
Ang Chinese pinyin ay binubuo ng dalawang bahagi: ang mga katinig at mga patinig. Ang una ay binubuo ng 21 titik samantalang 39 na titik at kombinasyon ng mga titik ang huli. Mayroong apat na tono sa sistema ng pinyin: ang unang tono na pantay, ang ikalawa na pataas, ang ikatlo na pababa-pataas at ang ikaapat na pababa. Sa ibang salita, ang hindi nagbabagong pinyin ay maaring magbigay ng iba't ibang tinig ayon sa apat na tono at ang iba't ibang tono ay maaring magpahayag ng iba't ibang kahulugan. Halimbawa: ang 妈(mā) sa unang tono ay nangangahulugan ng "nanay". Ang 麻(má) sa pangalawang tono ay nangangahulugan ng linen. Ang马(mǎ) sa ikatlong tono ay nangangahulugan ng "kabayo". At ang 骂(mà) sa ikaapat na tono ay nangangahulugan ng magmura.
Ang lubos na pagkakaalam ng apat na tono ng Chinese pinyin ay napakahalaga para tumpak na mabasa ang mga karakter na Tsino.
Ang isa pang espesyal na katangian ay ang mga pangngalang Tsino ay may mga pambukod sa kanilang unahan. Ang pinakakaraniwan ay 个(gè).
Sa wikang Tsino, hindi natin sinasabing "isang tao", sinasabi nating "isang 个 na tao" o "dalawang个 na tao". 一(yí)个(gè)人(rén), 两(liǎng)个(gè)人(rén).
Ang isa pa ay 条(tiáo) na ginagamit na pambukod ng mga mahabang makitid na bagay. Kaya sinasabi nating "isang 条 na lansangan o abenida". 一(yī)条(tiáo)路(lù).
Ang isa pang espesyal na katangian ng Putonghua ay gumagamit tayo dito ng maraming tambalang salita o compound words. Ang isang salita sa Filipino ay maaring dalawa, o baka tatlo o apat pa nga sa Tsino. Halimbawa, ang tren sa wikang Tsino ay 火(huǒ)车(chē) na literal na nangangahulugan ng sasakyang apoy (fire vehicle). Sa mga susunod na aralin, papraktisin pa natin ang pagbigkas ng mga katagang Tsino.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook, website o email
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino==>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |