|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, pinuri ni Prime Minister Lee ng Singapore
PINURI ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong si Pangulong Aquino sa kanyang pakikipagpulong kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda kanina. Sinabi ni Kalihim Lacierda na ang pag-uusap nina Pangulong Xi at Aquino matapos ang tree-planting event sa APEC Summit sa Beijing ang kabilang sa pinag-usapan nina Prime Minister Lee at Pangulong Aquino sa pagdalaw sa Singapore.
Dumalaw at nagbigay-galang si Pangulong Aquino kay Prime Minister Lee. Ayon kay Kalihim Lacierda, ipinakita ni Pangulong Aquino ang pahayag ni Pangulong Xi na nakasulat sa mga letrang Tsino at ikinatuwa ni Prime Minister Lee ang nilalaman ng liham.
Maganda umano ang napag-usapan ng dalawang punongbansa. Umaasa rin umano si Prime Minister Lee na magiging maganda ang kahihinatnan ng mga isyung bumabalot sa relasyon ng Pilipinas at Tsina.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |