|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Dagdag na salapi, inilabas para sa Yolanda at APEC
UMABOT sa P 23 bilyon ang inilabas na salapi ng Department of Budget and Management upang matiyak ang tugon sa pangangailangan sa post-Yolanda rehabilitation at sa paghahanda ng pamahalaan para sa 2015 Asia-Pacific Economic Cooperation Summit.
Ayon kay Budget Secretary Florencio Abad, sertipikado naman ng National Treasury na mayroong salaping magagamit sa mga proyektong ito at suportado rin ng kaukulang batas.
Sapagkat pinag-uusapan na sa Senado ang 2015 Budget, kailangan ang suporta ng House of Representatives upang maipasa ang supplemental appropriations bill upang matustusan ang mga proyektong ito.
Aabot naman sa P 16.4 bilyon ang para sa mga bagong priority initiatives tulad ng Yolanda reconstruction at rehabilitation program na tatanggap na P 9.5 bilyon. May P 1.44 bilyon para sa paghahanda sa APEC Summit na gagawin sa Pilipinas.
May ilalaan ding P 1.85 bilyon sa ilalim ng Department of Public Works and Highways. Ang nalalabing halaga ay para sa mga proyektong dating ginastusan ng Priority Development Assistance Fund at Disbursement Acceleration Program.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |