|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Saksi sa Ampatuan Massacre, nasawi sa ambush
PINASLANG ng mga hindi pa kilalang kalalakihan ang isang saksi sa Maguindanao Massacre noong 2009. Napaslang ang saksi kahapon.
Kinilala ang biktima sa pangalang Denix Sakal, isang dating tsuper ng suspect na si Andal Ampatuan, Jr. Nasawi si Sakal sa dami ng tama ng bala sa katawan ang naunang nagsabing handa siyang sumaksi laban sa kanyang dating amo.
Sugatan din si Sukarno Saudagal, isa ring posibleng saksi sa masaker. Si Saudagal ang sinasabing pinagkakatiwalaan ng salapi ni Ampatuan noong nanunungkulang punongbayan ng Datu Unsay sa Maguindanao Province.
Posibleng maputol ang isang braso ni Saudagal, ayon sa impormasyong nakarating sa media.
Patungo umano ang mga biktima sa Tacurong City upang makausap ang kanilang mga abogado ng tambangan sa Barangay Bacong, Shariff Aguak mga ikawalo ng umaga kahapon. Malapit ang pinangyarihan sa lupain ng mga Ampatuan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |