|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Negosyante, muntik nang madukot sa Cotabato City
NANGANGAMBA ang mga negosyante sa Cotabato City sa serye ng mga pagdukot sa lungsod matapos pagtangkaang dukutin ang isang negosyante kagabi ng ikaanim
Ayon sa police report, isang Bob Franco ang sakay ng kanyang kotse pauwi sa Salem Bagui Street ng isang motorsiklong sinasakyan ng dalawa katao ang humarang sa kanyang sasakyan. Pinagtangkaan siyang dukutin ng mga sakay sa motorsiklo.
May isang parmasya si Franco sa Cotabato City. Nanlaban siya kaya't hindi siya nadukot. Nagtamo siya ng bala ng baril at ngayo'y na sa isang pagamutan sa lungsod. Ilang buwan na ang nakalilipas, pinagtanggkang dukutin ang maybahay ni Franco na si Victoria. Naitakas ng mga armado ang bagong sasakyan ng pamilya Franco.
Pinakahuling biktima sina Mike Khemani, isang may-ari ng department store sa Cotabato City at sa North Cotabato ang pinakahuling biktima ng kidnapping sa lungsod.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |