|
||||||||
|
||
20141127ditorhio.m4a
|
Mga pengyou, naniniwala ba kayo na mayroong taong kayang magsabi ng hinaharap? Ang iba sa atin, siguro naniniwala, at ang iba naman ay hindi, ano po? Sa personal kong opinyon, ang tanging taong makapagsasabi ng inyong hinaharap, ay kayo mismo. Ang lahat ng ginagawa natin sa kasalukuyan ang siyang magiging pundasyon ng ating kinabukasan. Halimbawa, kung ikaw ay estudyante, at ikaw ay masipag mag-aral, ito ay magagamit mo sa pagbuo ng magandang karera sa hinaharap, gaano man kahirap ang buhay o situwasyon sa ating bansa sa ngayon. Kung ikaw naman ay masipag at maabilidad sa trabaho o negosyo, mahalaga ito sa pag-unlad ng iyong karera o negosyo sa hinaharap. Ayon nga sa isang kasabihang Ingles, "THE BEST WAY TO PREDICT THE FUTURE IS TO CREATE IT."
Sa ating episode ngayong gabi, tungkol po sa inobasyon at pagbuo ng sariling kinabukasan ang bibigyan natin ng pansin.
Ang ating panahon sa kasalukuyan ay tinatawag na "digital age." Karamihan sa ating mga saligang pangangailangan sa buhay ay nakukuha, nabibili, o nagagawa sa pamamagitan ng mga digital gadget, tulad ng kompyuter at mga mobile device. Dito sa Tsina, napakaraming mamamayan ang gumagamit ng cellphone upang bumili ng mga kagamitan sa online store, tulad noong November 11, o iyong tinatawag na "Single's Day." Mula sa advertising at marketing, pagbili ng kung anu-anong bagay, pagbabayad ng bill gamit ang credit card o bank card, pagdedeliber ng pinamili, at marami pang iba, may mahalagang papel dito ang mga digital gadget. Kaya naman, lumitaw dito sa Tsina ang mga tinatawag na O2O Mobile App. Ano ang O2O Mobile App?
Ito ay literal na nangangahulugang Online To Offline. Ito ay isang bagong business mode na nagkokombinasyon sa online at tradisyonal na pamimili. Paano ito ginagawa? Ang mga negosyong gumagamit ng O2O model ay kadalasan munang nagbibigay ng impormasyon, serbisyo, diskuwento sa booking, at kung anu-ano pa. Ang mga ito ay ikinakalat sa pamamagitan ng Internet. Ang mga Internet user naman na nakakita at nagkagusto sa produktong na-advertise sa online ay nagiging potensyal na kostumer o kostumer ng mga partikular na offline business partners o mga ka-partner na may pisikal na tindahan. Sa madaling salita, promosyon online upang makakuha ng kostumer para sa mga tindahan offline. Ang business mode na ito ay partikular na epektibo sa mga consumer goods at serbisyo, na gaya ng pagkain at inumin, serbisyong pangkalusugan, pelikula, at beauty salon.
Dito po sa Tsina, mayroong isang LAOWAI o dayuhang naninirahan at nagtatrabaho sa Tsina, na nakaisip magtayo ng O2O na negosyo. Itinayo ni Bruce Nikoo, isang Canadian ang isang kompanyang kung tawagin ay Raado. Ang kompanyang ito ang nagbelop ng isang APP sa cellphone na nakakapagpadala at nakakatanggap ng mga digital pre-paid card, kasama na ang mga gift card.
Sa pamamagitan ng APP na ito, ang mga tao ay maari nang magpadala, makatanggap at mag-redeem ng mga digital pre-paid gift card ng mga retailer ng ibat-ibang brand.
Ang ganitong klaseng negosyo ay bago pa lamang sa Tsina, pero, binuo ni Bruce ang isang determinadong grupo na matagumpay na naglunsad ng una at pangalawang bersyon ng APP na ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |