Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ang tsaa

(GMT+08:00) 2014-10-16 19:51:15       CRI

 

Ang kultura ng pag-inom ng tsaa sa Tsina ay may libong taon nang kasaysayan. Makikita ito sa mga aklat, kasulatan, tula, at awit mula sa mga sinaunang iskolar ng Tsina. Magpahanggang ngayon, napakarami pa ring mga Tsino ang regular na umiinom ng tsaa. May 5 uri ng tsaa sa Tsina: Green tea – Longjin, Wulong, Scented tea - Jasmine tea, Black tea, at Compressed tea.

Sa 3 pangunahing inumin sa mundo—tsaa, kape at cocoa--- tsaa ang pinaka may maraming umiinom.

Sa kasalukuyan, may 40 bansa sa mundo ang nagpapatubo ng tsaa, at 90% ng tsaa sa mundo ay mula sa Asya.

Ang pag-inom ng tsaa ay nagmula sa Tsina. Ito'y naipakilala sa Hapon noong ika-6 na siglo at lumaganap naman sa Europa at Amerika noong ika-17 at ika-18 siglo. Ngayon, ang bilang ng mga umiinom ng tsaa sa mundo ay hindi na mabilang.

Maraming advantage ang pag-inom ng tsaa sa ating kalusugan. Kapag tag-init, ang pag-inom ng tsaa ay nakakarelaks at nakakapagpalamig ng pakiramdam. Ito ang dahilan kung bakit napakaraming tea house sa katimugan ng Tsina. Pagdating naman sa medisina, mayroon ding benepisyo ang pag-inom ng tsaa. Ang tsaa ay nagtataglay ng 20-30% na tannic acid, ito ay isang kemikal na may anti-inflammatory at germicidal properties. Bukod pa riyan, ang tsaa ay mayroon ding 5%, caffeine; ito ay stimulant para sa nerve centre at nagpapataas din ng ating metabolismo. Kaya, ang pag-inom ng tsaa ay nakakatulong sa mga gustong magpapayat. May kasabihan sa Tsina: "Rather go without salt for three days than without tea for a single day."

Ang tsaa ay mayaman din sa bitamina. Kaya, para sa mga naninigarilyo, nakakatulong ito sa pag-aalis ng nikotina sa katawan. Pagkatapos uminom ng alak, maganda rin ang tsaa na pampaalis ng lasing.

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Chinese Dream ng Isang Laowai 2014-10-09 16:25:47
v Siopao Trak at Salsa Royalty ng Beijing 2014-10-03 17:19:34
v Kuwento ni Bantay 2014-09-26 15:20:09
v Love story at tinapay 2014-09-19 18:08:30
v Basketbol 2014-09-11 17:23:47
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>