|
||||||||
|
||
20141204ditorhio.m4a
|
Sa episode ngayong gabi ng DLYST, dalawang kuwento ang aming ihahatid sa inyo. Ang una ay kuwentong tungkol sa pagbibigay ng pagmamahal sa kapuwa, o pagpapalaganap ng goodwill. Kamakailan ay dumalaw po kasi sa Beijing ang Berlin Philharmonic Orchestra. Sila po ay hinirang ng United Nations Children's Fund (UNICEF) bilang Ambassadors of Goodwill; at sa pamamagitan ng kanilang musika, pinasaya nila, kahit sa kaunting sandali ang anak ng mga migrante sa Beijing.
Alam po ninyo mga kababayan, isa sa malaking isyung kinakaharap ng Tsina ngayon ay ang pagbibigay ng pantay na access at karapatan sa edukasyon, kalusugan, at iba pang serbisyong panlipunan sa mga anak ng manggagawang mula sa mga probinsya ng Tsina o migrante. Kaya naman, isa sa mga pinagtuunan ng pansin ng Berlin Philharmonic Orchestra ang pagbibigay ng kaunting inspirasyon at ngiti sa mga batang ito.
Ang atin namang pangalawang kuwento ay tungkol sa isang "laowai," na umaakay sa maraming Tsino patungo sa mundo ng animation. Ang napakainteresanteng bagay sa "laowai" na ito: nang dumating siya sa Tsina, ayaw niyang magtagal, at 3 linggo lang niyang balak manatili sa bansa. Ngayon, ay isa siya sa mga nagtayo ng animation studio sa Beijing na kung tawagin ay Eclipse Studio. Bukod dito, nagbukas din siya ng isang eskuwelahan para turuan ang mga Tsino kung paano maging animators.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |