|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pamahalaan ng United Kingdom, nakiramay sa mga binagyo
IPINARATING ni British Ambassador to the Philippines Asif Ahmad ang pakikiramay ng kanyang bansa sa mga namatayan ng mga mahal sa buhay at mga kamag-anak.
Sa isang mensaheng ipinadala sa mga mamamahayag, sinabi ni Ambassador Ahmad na sa katatagan ng mga Filipino, naiwasan ang mas matinding trahedya sa napapanahong paglilikas ng mga mamamayan sa tinayang dadaanan ng bagyo.
Naging mahalaga ang napapanahong paglilikas ng mga mamamamayan mula sa Samar, Masbate at Mindoro.
Pinapurihan niya ang pamahalaan ng Pilipinas at ang iba't ibang mga ahensya na gumagalaw at kumikilos tulad ng inaasahan. Handang tumugon ang United Kingdom sa anumang hihilingin ng Pamahalaan ng Pilipinas.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |