Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Simbahan, tumutulong na sa mga nasalanta

(GMT+08:00) 2014-12-09 17:49:29       CRI

Paghahanda para sa pagdalaw ni Pope Francis, tuloy pa rin

PAGBUO NG MEDICAL TEAMS, GINAGAWA NA. Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Ted Herbosa sa panayam ng CBCP Media Office. Layunin nilang makabuo ng may 25 medical teams at dalawang field hospitals sa pook na malapit sa Quirino Grandstand sa pagmimisa ni Pope Francis sa Enero. Umaasa si USec. Herbosa na mula lima hanggang anim na milyong mga Filipino ang dadalo sa okasyon. (Melo M. Acuna)

TULOY ang paghahanda ng pamahalaan ng Pilipinas sa napipintong pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Ted Herbosa sa panayam sa CBCP Media Office kanina. Ipinaliwanag ni Dr. Herbosa na hindi lamang isang apostolic visit ang magaganap sapagkat ito ay isa ring state visit sapagkat isang head of state si Pope Francis.

Pinaghahandaan nila ang mga okasyong dudumugin ng mga Filipino tulad ng Misa sa Tacloban City na inaasahang dadaluhan ng isa hanggang dalawang milyong mga mamamayan mula sa Kabisayaan at Mindanao. Tinataya rin ni Dr. Herbosa na magkakaroon ng mula lima hanggang anim na milyong tao sa Luneta.

Maglalagay sila ng mga medical team sa iba't ibang mga pook tulad ng University of Sto. Tomas para sa mga kabataan, Manila Cathedral para sa mga obispo at kaparian at maging sa Mall of Asia na dadaluhan ng mga pamilya.

Kahit umano sa Villamor Air Base ay magkakaroon ng medical teams. May pagtutulungan na ang mga manggagamot ng University of Sto. Tomas, Cardinal Santos Memorial Medical Center at ang mga manggagamot ng pamahalaan.

Umaasa silang makakabuo ng 25 medical teams na katatagpuan ng tatlo hanggang apat na manggagamot at kaukulang narses, mga tsuper at iba pang mga tauhan. Magtatayo rin sila ng dalawang field hospitals upang tumugon sa mga minor incidents.

Sa Tacloban City, samantalang binagyong muli ang kanilang pagamutan at mga tauhan, daragdagan ang mga manggagamot at iba pang personnel ng mga tauhan mula sa Cebu at Iloilo. Posible ring kumuha ng mga tauhan mula sa Bicol.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>