![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Pondo ng pamahalaan, sapat
TINIYAK ni Budget Secretary Florencio B. Abad na sapat ang pondo ng Aquino Administration upang daluhan ang pangangailangan ng mga pook na nasalanta ni "Ruby." Magmumula ang pondo sa kaban ng bayan mula sa taong 2014 hanggang 2015.
Sa isang pahayag, sinabi ni Kalihim Abad na mahalaga ang paghahanda upang matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino sa serye ng mga trahedyang nagaganap sa bansa.
Dinagdagan ng pamahalaan ang 2014 National Disaster Risk Reduction and Management Fund ng P 2.61 bilyon para sa relief at emergency response activities.
Makakakuha ng pondo para sa relief at rehabilitation programs sa oras na makapasa na sa Kongreso at malagdaan ni Pangulong Aquino ang 2015 National Expenditure Program.
Makakakuha ng P 2 bilyon sa Contingent Fund at P 13 bilyon sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund. Hindi umano nag-iisa ang pamahalaan sa pagtugon sa emerhensya sapagkat mayroon pang mga aid organization, citizen groups at karaniwang Filipino na tumutulong.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |