![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Pilipinas, may sapat na bigas kahit binagyo
SINABI ni National Food Authority (NFA) Administrator Renan Dalisay na mayroong sapat na bigas sa bansa partikular sa mga pook na tinamaan ni "Ruby."
Ipinaliwanag ng bagong administrador na mayroong 15 araw na buffer stock ang NFA para sa buong bansa at 17 araw sa mga critical area tulad ng Southern Tagalog, Bicol at Eastern Visayas.
Wala umanong kautusan ang pamahalaang mag-angkat ng bigas dahilan sa bagyong "Ruby." Wala umanong katotohanan ang balitang mag-aangkat ng 600,000 metriko tonelada ng bigas.
Walang anumang importasyong magaganap ngayong 2014. Sa posibilidad na magkakaroon ng importasyon sa 2015, pag-uusapan pa ito ng NFA Council. Nagpalabas na umano ang NFA ng 70,000 sako ng bigas sa mga apektadong pook sa pamamagitan ng iba't ibang mga ahensya at local government units.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, napinsala ni "Ruby" ang mga pananim na nagkakahalaga ng higit sa isang bilyong piso sa Bicol, Western Visayas at Eastern Visayas.
Napinsala ni "Ruby" ang mga lalawigan sa Kabisayaan at Timog Luzon. Inaasahang lalabas na sa nasasakupan ng Pilipinas ang sama ng panahon bukas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |