Mga kaibigan, kapag nanonood tayo ng mga teleserye sa TV, madalas nating nakikita ang mga pambihira at kagila-gilalas na kuwento: mga kuwento ng saya at tagumpay na parang malayong mangyari sa tunay na buhay. Pero, sa maniwala man kayo o hindi, dito sa Beijing, may nadiskubre po akong isang "laowai," o dayuhang naninirahan at nagtatrabaho rito, na may ekstraordinaryo at pambihirang kuwento. Tungkol po saan ang kanyang kuwento? Tungkol po ito sa pambihinrang kuwento ng kanyang buhay sa Tsina, at paano niya itinayo, mula sa wala ang kompanya ng t-shirt na kung tawagin ay "Plastered 8."
Ang Plastered 8 ay isa pong kompanyang gumagawa ng mga novelty t-shirt. Kung kayo po ay pupunta sa Great Wall, Tian'an'men Square, Summer Palace, Temple of Heaven, Nanluoguxiang, at marami pang lugar sa Tsina, mabibili po ninyo itong mga t-shirt na ito sa mga lugar na ito.
Pakinggan po natin ang pambihinrang kuwento ng buhay dito sa Tsina ni Dominic Johnson-Hill.