|
||||||||
|
||
20141218Meloreport.mp3
|
NAPAPANAHON ang pagbabalik-aral sa Visiting Forces Agreement. Ito ang sinabi ni Senate President Franklin M. Drilon sa isang panayam sa radyo kaninang umaga. Nararapat umanong imungkahi ng Department of Foreign Affairs na pagbalik-aralan ang Visiting Force Agreement .
Ipinaliwanag niyang nararapat gawin ng Department of Foreign Affairs ang pagbabalik-aral na sisimulan ng Palasyo Malacanang. Dapat ding magkasundo ang Pilipinas at Estados Unidos. Maaaring hilingin ng palasyo sa America na pagbalik-aralan ang kontrobesyal na kasunduan.
Nararapat pagtutuunan ng pansin ang probisyon hinggil sa detention at custody sapagkat taliwas ito sa Revised Penal Code at Rules of Procedure.
Ipinaliwanag ng mambabatas na nararapat magpadala ng mensahe ang Malacanang sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs sa US State Department sa pamamagitan ng Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas at humihiling na mag-usap ang magkabilang-panig at suriin ang mga nararapat palitan sa Visiting Forces Agreement.
Kontrobersyal ang Visiting Forces Agreement sapagkat ito ang ginamit ng mga Americano sa pagtanggi sa kahilingan ng Pilipinas na ibigay si Private First Class Joseph Scott Pemberton sa kustodiya ng hukuman sa bansa. Akusado si Pemberton ng murder sa pagkamatay ni "Jennifer" Laude sa isang motel sa Olongapo City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |