|
||||||||
|
||
Kailangang manindigan ng Pilipinas, sabi ng Bayan
HINAMON ng Bagong Alyansang Makabayan ang pamahalaang Aquino na manindigan at kunin ang custody ng akusadong kawal na Americano sa pagpaslang kay Jeffrey "Jennifer" Laude.
Dapat lamang umanong manindigan ng Pilipinas laban sa Estados Unidos na tinagurian nilang "imperialist bully."
Dapat umanong magkagulogod ang mga pinuno ng bansa at manindigan laban sa mapanakot na Estados unidos.
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, Jr., malaki na umano ang nakamtan ng mga Americano mula sa VFA subalit sa oras na humingi ang Pilipinas para sa isang kababayang napaslang, hindi ito pinapansin ng America.
Mas makabubuting talikdan na ng Pilipinas ang Visiting Forces Agreement at alisin ang "special treatment" na ibinibigay sa mga kawal na Americano.
Idinagdag pa ni Reyes na kagulat-gulat ang payapang pagtanggap ng mga autoridad na Filipino sa pagtanggi sa kahilingang custody. Ipinagtataka rin ni g. Reyes kung bakit walang humihiling na talikdan na ang kasunduan at tanggalin na rin ang special treatment ng iginagawad sa mga Americano.
Insulto na umano ang ginawang pahayag ni American Ambassador Philip Goldberg sa paggamit ng malabong probisyon sa Visiting Forces Agreement.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |